37,000 new nurses produced by PH ng 2024
- Published on January 3, 2025
- by Peoples Balita

NGUNIT sa kabila nito ay walang kasiguruhan na magagamit nila ang kanilang propesyon.
Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, nakapag-produce ang Pilipinas ng total na 37,098 bagong registered nurses noong 2024.
“Largely due to the pressure to survive, some of them will likely try to seek immediate employment, even if it means taking on other jobs and not practicing nursing,” pahayag ng mambabatas, vice chairperson ng House committee on higher and technical education.
Nitong mga nakalipas na taon, maraming mga nurses ang nagtrabaho bilang real estate agents, insurance agents, o car sales agents, habang ang iba ay nasa business process outsourcing.
“We are not paying our new nurses enough to encourage them to practice their profession,” pahayag nito.
Nakaharap pa rin ang bansa sa lumalaking shortage ng nurses, dala ng bahagi ng mas mababang produksyon at nonstop overseas migration.
Ang Pilipinas ay may kakulangan ngyon ng 127,000 nurses, na inaasahang tataas sa 250,000 pagdating ng 2030, ayon sa World Health Organization (WHO).
Batay naman sa datos mula sa Professional Regulation Commission (PRC), ang 37,098 bagong nurses na naproduce nitong 2024 ay halos katumbas ng 36,525 noong 2023.
Ngunit, sinabi ni Rillo na mababa ang nasabing bilang kumpara sa average na 63,800 new nurses ng bansa kada taon, mahigit sa isang dekada na ang nakalilipas.
“We must invest more in our nurses if we want to retain some of them in the local health sector,” pagtatapos ni Rillo. (Vina de Guzman)