EDCA site sa Surigao del Norte, panawagan ng mambabatas
- Published on January 3, 2025
- by Peoples Balita

MULING nanawagan ang isang mambabatas na magtayo ng naval facility sa Surigao del Norte upang maprotektahan ang silangang bahagi ng bansa mula sa smugglers at foreign intruders sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at United States.
Ang apela ay ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Quad Committee, sa mga opisyal ng Defense Department kasunod ng ulat na kinukunsidera nito ang paglalagay ng naval facility sa loob ng Phividec Industrial Authority (PIA) business complex sa Misamis Oriental.
Sa 3,000 ektaryang Phividec, nakatayo ang may 200 existing business locators, ay isang economic zone na nakarehistro sa Philippine Economic Zone Authority.
(Vina de Guzman)