Mayorya ng mga Pinoy suportado ang ‘polymerization’ ng banknotes ng Pinas-BSP
- Published on December 28, 2024
- by @peoplesbalita
Ito ang makikita sa survey na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa BSP, natuklasan sa isinagawa nitong Consumer Expectation Survey sa first quarter ng taon na may 61.3% ng mga respondent ang suportado ang overall initiative ng Philippine banknotes polymerization, mas mataas kaysa sa 10.9% sa nakalipas na taon.
Nito lamang unang bahagi ng buwan, isinapubliko ng BSP ang bagong polymer banknotes sa denominations ng P500, P100, at P50, ipinakikita ang mga imahe ng mga katutubo at protektadong species, at maging ng local weave designs.
Ang bagong polymer banknote denominations ay magiging available sa limitadong dami sa Greater Manila Area (GMA) ngayong Disyembre subalit nakatakda namang maging ganap na pumasok sa sirkulasyon sa first quarter ng 2025.
Sa kabilang dako, hayagan naman ang naging pagtutol ng August Twenty-One Movement (ATOM) sa naging desisyon na palitan ang imahe ng mga Bayan ng Pilipinas ng mga ‘local wildlife’, kinuwestiyon nito ang implikasyon sa pag-alis sa mga mahahalagang tao sa kasaysayan mula sa banknotes.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Kiko Aquino Dee, apo ng namayapa at dating Senador Ninoy Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino, kaugnay sa pag-redesign, sabay sabing “they are changing our banknotes — a move initiated by the Duterte administration — so they don’t have to face our heroes while betraying their sacrifices.”
Para naman sa BSP, pinanatili nito ang Philippine paper banknotes, na nagtatampok ng mga Bayani sa sirkulasyon kasama ng bagong polymer bills.
“The introduction this month of new polymer banknote denominations — namely, 500- 100-, and 50-piso notes — followed studies that show the smarter, cleaner, and stronger characteristics of polymer banknotes,” ang nakasaad sa kalatas ng BSP .
Winika pa rin ng BSP na “polymer banknotes are “smarter” as these incorporate advanced security features and that counterfeits of such bills were harder to manufacture.”
Sinabi pa rin nito na ang global warming potential nito ay 38.36% na mas mababa kaysa sa paper counterpart nito.
Makikita sa data ng BSP na mayroon lamang 10 counterfeits mula sa 825.4 million polymer banknotes na nasa sirkulasyon mula 2022 hanggang November 2024, kontra sa 98,316 counterfeits mula sa 1.86-billion paper banknotes.
Natuklasan pa rin sa survey ng BSP na may 68.3% ng respondents na aprubado ang P1,000 polymer banknote, tumaas mula sa 38% sa kaparehong panahon noong 2023.
“Since the release of the 1,000-piso polymer denomination in April 2022, public acceptance has steadily grown,”ang sinabi ng BSP.
Tinuran pa rin ng BSP na ang polymer banknotes ay “cleaner” dahil “they are less likely to get damaged or dirty due to water, oil, and dirt, at “stronger” dahil “they have a lifespan of as long as 7.5 years versus the paper banknotes’ 1.5 years.”
