Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024 – DOF
- Published on December 28, 2024
- by @peoplesbalita
Ayon sa Department of Finance (DOF), ito ang naitalang total tax collections hanggang noong buwan ng Nobyembre, at mas mataas ito ng 15% mula sa kaparehong panahon noong 2023.
Sinabi ng DOF nakalikom ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P2.67 trillion pesos na tumaas ng 13.9%.
Nasa P850 billion pesos naman ang koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) na mas mataas ng 4.7%.
Kaugnay dito, inaasahang aabot sa P3.82 trillion pesos ang kabuuang koleksyon ng buwis ngayong taon, mas mataas ng 11.4% noong 2023.
Ito ay magiging katumbas ng 14.4% ng gross domestic product. (Daris Jose)
