• November 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: November 22, 2025
    Current time: November 22, 2025 11:17 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VILMA, may kakaiba na namang pinakita sa ‘Uninvited’ pati na sina AGA at NADINE

SHOCKING and daring ang isa sa nangungunang MMFF entry na “Uninvited l. “ 
Sa 55th bday party ng mayaman at naimpluwensiyang si  Guilly Vega portrayed by Aga Muhlach ay naganap ang lahat.
Pagpasok pa lang ay napakahigpit ng security at napaligiran pa ito nang mga mamamatay tao niyang mga takot sa kanya.
Kasama siyempre ni Guilly ang kanyang asawang nagtitiis dahil sa pera na si Mylene Dizon at ang anak na si Nadine Lustre na tanggap ang mga kalokohan ng ama.
Maiksi pero markado ang mga papel ng mga nagsiganap na mga  alipores na sina RK Bagatsing, Cholo Barretto, at Gio Alvarez.
Pero ang ‘Uninvited’ na si Eva Candelaria na ginampanan ni Vilma Santos ay nakapasok sa party na walang dalang anumang sandata para sa gagawin niyang paghihiganti kay Guilly na gumahasa at pinapatay nito ang anak niyang si Lily na ginagampanan ni Gabby Padilla.
Habang nagkakasayahan ang lahat naisagawa ni Ate Vi ang kanyang misyon na paslangin lahat at walang ititira sa naging dahilan sa pagkamatay ng anak.
Start pa lang ng pelikula at hanggang sa matapos ay sobrang nakaka-tense  ang mga eksena.
Kaya kung maysakit ka sa puso better still uminom muna ng maintenance nyo bago pumasok sa sine.
Given na pagdating sa aktingan isang Vilma Santos ang iniidolo ng kapwa niya artista pero dito sa “Uninvited “ ay super duper napakagaling ng aktres.
Worthy for another grandslam award.
Very surprising ang akting ni Aga Muhlach sa pelikulang ito, ang galing galing niya pati rin si Nadine Lustre another potential best supporting actress.
Mapapamura ka sa ipinakitang galing sa pag-arte ng tatlong bida
Hindi mo akalaing magagawa ‘yun ni Ate Vi, Aga at Nadine.
Ibang atake at sa ngalan ng paghihiganti, ibang Ate Vi ang mapapanood sa “Uninvited.“
Hindi rin naman papahuli at talaga namang ang galing rin ng mga suporta sa pelikula tulad nina Tirso Cruz III, Mylene, Cholo, RK, Cholo, at Ron Angeles.
***
SPEAKING of Metro Manila Film Festival ganun na lang ang panghihikayat ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pamumuno ni Chairperson at CEO Ms. Lala Sotto- Antonio.
Pinakiusapan niya ang lahat ng pamilyang Pilipino na suportahan at tangkilikin ang 10 pelikula sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) .
Ayon pa sa MTRCB chair na may malaking ambag ng mga lokal na pelikula pagda­ting sa pagpapakita ng kultura at pagiging malikhain ng mga Pilipino
Ayon pa rin sa kanya ay malaki ang partisipasyon ng MMFF bilang plataporma para sa mga direktor, producer, aktor at iba pang kasali sa industriya ng pelikula.
“Hindi lang isang taunang pista ng pelikulang Pilipino ang MMFF kundi isa rin itong selebrasyon ng mayamang kultura at pagkamalikhain natin bilang isang lipi,” sabi Chair Lala.
“Ang pagsuporta natin sa mga lokal na pelikula ay malaking tulong upang mas lumago pa ang industriya ng pelikula sa bansa,” dagdag pa niya.
Paalala pa rin ni Chair Lala ang mahalagang papel na gagampanan ng mga magulang at guardians para sa res­ponsableng panonood ng mga bata.
“Ating tiniyak na ang 10 pelikula na kasali sa MMFF ay nabigyan ng angkop na klasipikasyon. Pero ang res­ponsibilidad para tama ang panonoorin ng mga bata ay nakasalalay sa gabay ng mga magulang at nakakatanda,” banggit pa ni Madam Lala Sotto.
(JIMI C. ESCALA)