Dasal ni JUDY ANN na kumita ang ‘Espantaho’, nagkakatotoo na
- Published on December 27, 2024
- by @peoplesbalita
NADISKUBRE ni Judy Ann Santos na hindi pala basta-basta ang pag-produce ng isang pelikula.
Ito ang natutunan niya sa pag-produce niya ng 2024 Metro Manila Film Festival official entry na ‘Espantaho.’
“Malaking bagay yung nagkausap kami ni Atty. Joji Alonso (producer ng Quantum Films). Alam kasi niya ang pasikut-sikot sa pagiging producer at nag-share siya sa akin ng ilang bagay na kailangan ko malaman bilang producer.”
Natuto raw na huwag basta maglabas ng pera si Juday hanggang hindi niya nalalaman kunsaan ito gagastusin. Nalaman din niya na kapag nagpa-pack-up siya ng shooting, malaki ang perang mawawala sa kanya.
“As much as possible, iniiwasan namin ang mag-pack-up. Naaawa kasi ako sa production staff lalo na nung sunud-sunod yung mga bagyo. Pero payo sa akin ay maging firm ako sa mga desisyon ko para walang ibang masisisi.”
Dasal ni Juday na kumita ang ‘Espantaho’ para mas maenganyo siyang mag-produce pa ng marami pang pelikula at makapagbigay ng trabaho sa maraming movie workers.
Ang ‘Espantaho’ ay ang ika-12th MMFF movie ni Juday. Ang iba ay Babae (1997), Nasaan Ang Puso? (1997), Kasal-Kasalan Sakalan (1998), Esperanza The Movie (1999), Mano Po 2: My Home (2003), Aishite Imasu 1941: MahalKita (2004), Kasal Kasali Kasalo (2006), Sakal Sakali Saklolo (2007), My Househusband: Ikaw Na! (2011), Si Agimat, Si Enteng At Si Ako (2012), and Mindanao (2019).
Juday has won two MMFF Best Actress trophies for Kasal, Kasali, Kasalo in 2006 and Mindanao in 2019.
At noong araw ng Pasko, isa nga ang ‘Espantaho’ sa nangunguna sa takilya.
***
30 years na pala since lumabas ang hit Christmas song ni Mariah Carey na “All I Want for Christmas Is You.”
Kinita na ni Mariah sa 1994 holiday hit niya ay higit na sa $60 million in royalties ayon sa Forbes.
Last Dec. 13, “All I Want for Christmas Is You” became the first holiday song to reach 2 billion streams on Spotify.
Ginawaran din ang song ng RIAA (Recording Industry Association of America) Diamond Award in 2021 for making 10 million sales and streams.
In 2023, the song was inducted into the Library of Congress’ National Recording Registry.
(RUEL J. MENDOZA)