Type din nila ni John na makasama ang KathDen: KATE, certified BEA-JOHN LLOYD fan at wish na makatrabaho
- Published on November 28, 2024
- by @peoplesbalita
INAMIN ni Kate Yalung na leading lady ni John Arcenas sa pelikulang ‘Idol: The April Boy Regino Story’, na bata pa siya ay dream na niyang mag-artista.
“Hindi ko nga akalain na magiging artista ako at aarte ako.
“Kasi pinakaalam ko talaga ay fashion designing, pero growing up ang gusto mag-‘Goin’ Bulilit’ ako. Pero hindi lang siguro ako nabigyan ng time ng parents ko, pero noong lumalaki na ako, sabi nila, go. Very supportive na sila sa ginagawa ko, binigyan talaga nila ako ng freedom.”
Hangang-hanga naman si Kate kay Bea Alonzo at wish niya itong maka-trabaho. Ganun din si John Lloyd Cruz dahil certified Popoy-Basha fan daw siya.
“Idol ko talaga si Bea Alonzo, dahil napakagaling niyang umarte. Pinapanood ko siya ngayon sa ‘Widows War’.
“Hindi ko pa nga siya nami-meet, pero sana soon.”
Dagdag pa niya, “I’m really a fan of Popoy-Basha, kasi pagdating sa aktingan, napakanatural nila, sila talaga ang pinapanood ako growing up.
“Sana nga po next time, meron pa siyang susunod na palabas, aabangan ko talaga.
“At kung may chance, gusto ko silang make-work, kahit anong role tatanggapin ko, makasama lang sila.”
Bukod kina JL at Bea, type din ni Kate nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na makatrabaho, at ganun din pala si John.
“Napakagaling nilang artista. Napanood ko ang ‘Hello Love Again’ at ang gagaling talaga nila. Nakakakilig talaga sila. So sana talaga, mabigyan ng chance,” sabi ni John.
Sey naman ni Kate, “Ako talaga naging fan talaga nila ako sa ‘Hello Love Goodbye’ pa lang and from there, gusto ko na talaga silang makatrabaho.”
Samantala, palabas na ang ‘Idol: The April Boy Regino Story’ sa mga sinehan nationwide. Mula ito sa direksyon ni Efren Reyes at produced ng WaterPlus Productions ni Marynette Gamboa.
(ROHN ROMULO)
