Leon’ lumakas pa: North Luzon, Quezon, Bicol tinumbok
- Published on October 31, 2024
- by @peoplesbalita
LUMABAS ang bagyong Leon habang nasa may katubigan ng silangan ng Cagayan.
Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng Leon ay namataan ng PAGASA sa layong 505 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o nasa layong 515 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 150km bawat oras at pagbugso na sa 185 km bawat oras.
Dulot nito, nakataas ang signal number 2 ng bagyo sa Batanes, Babuyan Islands, mainland Cagayan, northern at eastern portions ng Isabela, Apayao, northern portion ng Kalinga, northern portion ng Abra at Ilocos Norte.
Signal number 1 naman sa nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Abra, Ilocos Sur, La Union, eastern portion ng Nueva Ecija, Aurora, northern at eastern portion ng Quezon, kasama na ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at northern portion ng Sorsogon.
Lalapit si Leon sa Batanes Huwebes ng madaling araw o sa hapon na maaaring lumakas bilang super typhoon paglapit dito.
Makaraang lampasan ang landmass ng Taiwan, si Leon ay iikot sa hilaga hilagang silangan ng Taiwan Strait papuntang East China Sea hanggang sa lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa November 1. (Daris Jose)
