Dapat abangan ang mga pasabog na eksena: NADINE, ‘di magpapakabog kina VILMA at AGA sa ‘Uninvited’
- Published on October 28, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI naman magpapakabog ang premyadong aktres na si Nadine Lustre sa ‘Uninvited’ kasama ang sina Ms. Vilma Santos at Aga Muhlach, na muling magsasama sa pelikula pagkaraan nang maraming taon.
Pagkatapos ng announcement ng last five entries para sa 50th Metro Manila Film Festival na kung saan isa sa pinalad ang ‘Uninvited’, inilabas ng Mentorque Productions ang first teaser (POV of Guilly, ang character ni Aga).
Marami nga ang pumuri sa naturang teaser, lalo na ng mga fans ni Nadine.
Ilan sa nabasa naming comment sa YouTube…
“Nadine, Vilma and Aga. Wow! Can’t wait.
“Mga mata pa lang nila Nadine, Aga at Vilma pang best acting performance awards na.”
“Mukhang maghahakot ng awards ang movie na ’to.”
“Wow Vilma and Aga? Kala ko hindi na darating ang araw na to eh lupet + Tirso and Nadine…”
“Ganyan dapat ng trailer. Hindi Yung parang predictable na siya.”
Sa Twitter post naman, Direk Antoinette Jadaone, may ibinahagi siya na dapat daw abangan…
“Abangan nyo ang eksena ni Nadine with Ate Vi, Nadine with Aga, at yung tatlo in 1 frame!!! #uninvited.”
Siguradong sa next teaser na posibleng POV naman ni Nicole (Nadine) ang hahangaan at pupurihin.
Star-studded nga ang ‘Uninvited’, dahil bukod tatlong bida, kasama rin para sumuporta sina Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, RK Bagatsing, Ketchup Eusebio, Cholo Barretto, Gio Alvarez, and Ron Angeles.
SI Nadine ang bida sa ‘Deleter’, na naging top grosser at humakot ng awards sa MMFF 2022. Nasungkit din dito ni Nadine ang na Best Actress award.
Si Aga naman ang bida sa ‘Miracle in Cell No. 7’, na naging top grosser ng MMFF 2019 at muling lalaban sa Best Actor category sa 50th MMFF.
Si Ate Vi naman ang tinanghal na Best Actress ng MMFF 2023 para sa ‘When I Met You In Tokyo’ at siguradong palaban din siya sa pagka-Best Actress.
Mukhang makakalaban din niya si Nadine kung ilalagay ang award-winning actress sa same category.
Makikipagsalpukan din sa kanila ni Judy Ann Santos para sa ‘Espantaho’. Matatandaang huling nagwagi si Juday ng Best Actress sa MMFF noong 2019 para sa pelikulang ‘Mindanao’.
Kaya tiyak na magiging ’tinik’ silang tatlo sa iba pang mano-nominate bilang Best Actress sa 50th MMFF, na pawang magaganda ang napiling entries.
***
SPEAKING of ‘Uninvited’, may kinalaman pala sa story ang bida nito na si Ms. Vilma Santos.
Ayon kay Mentorque President and CEO Bryan Dy, “Kaya naman sa ‘Uninvited’, we really never expected this. Kung naalala n’yo, ang sinubmit namin ang script ng ‘Biringan’. But something happened along the way and we are very happy that we have this film.
“At saka ang pelikulang ito, istorya ito ni Ate Vi. It is something she was looking for ever since. Istorya niya ito, sinulat lang at screenplay ni Dodo Dayao. Pero siya ang nag-explain, what she wants to happened.
“That’s why this is very special for us and it’s our opportunity na kami ang gumawa. At sinasabi talaga ni Ate Vi, passion film at dream project niya ito.”
Dagdag pa niya, “tapos yun timing talaga, napabilis ang paggawa namin. And I never realized, na lahat ng hiniling naming artista ay mabilis umoo at nag-swak lahat sa schedules.
“At ngayong na-pick kami as one of the entries, parang something is pushing us towards that. Mas nauna pa itong matapos kesa sa Biringan, saka nagbakasali kami na ipasok.
“And I think, on the 50th edition of MMFF, the Filipinos deserve a film like this. Something they haven’t seen for decades.”
Inaasahan nga na maraming pasabog na aabangan sa pelikula, bukod pa sa mahuhusay na pagganap ng cast.
(ROHN ROMULO)
