• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Puring-puri siya ni Sylvia at pati na rin si Zanjoe: MAINE, sobrang mahiyain kaya natagalan bago nakapasok sa bahay nina ARJO

SA simula pa lang ay puring-puri na premyadong aktres na si Sylvia Sanchez si Maine Mendoza, ang mga wifey ni Cong. Arjo Atayde.

 

 

Palaging binabanggit ni Sylvia sa kanyang mga interview na maswerte siyang mother-in-law sa kanyang manugang, hindi lang kay Maine, pati na rin sa asawa ni Ria Atayde na si Zanjoe Marudo.

 

 

Sa latest interview niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, October 25, muli siyang nagkuwento sa relationship niya kina Maine at Zanjoe.

 

 

Pahayag niya tungkol kay Maine, “Du’n ko nakita, kasi sinasabi nila suplada, Kuya Boy, nami-misinterpret si Maine.

 

 

“Sobra siya talagang mahiyain. Kung alam lang nila. May mga nagsasabi sa ‘kin, suplada, hindi. ‘Wag n’yo i-judge ‘yung tao kasi nakita ko siya e, nag-usap kami.”

 

 

Dagdag pa ni Ibyang, noong first time raw na dinala ni Arjo si Maine sa bahay nila sa White Plains ay halos 15 minutes daw itong nasa labas lang dahil nahihiya.

 

 

“Ako mismo, na-experience ko. Sabi, ‘Mommy, nahihiya pa, sandali lang.’ ‘Halika na, sige.’ Lumabas si Arjo, pagbalik niya, ako na sumalubong. ‘Hi, Maine!’ Niyakap ko na, sobrang lamig,” tsika pa ni Sylvia.

 

 

Mahiyain din daw si Zanjoe, pero sa simula pa lang ng relasyon ng aktor at ng anak ay gusto na niya ito dahil, “mabait kasi, kasama ko kasi ‘yan, nakakatrabaho ko, nakakasama ko sa trabaho.

 

 

Kaya say pa niya, “swerte ako bilang mother-in-law dahil meron akong Maine Mendoza na daughter-in-law, at Zanjoe Marudo na son-in-law.”

 

 

Samantala, sa November 29 na ang ‘juan karlos LIVE’ na masayang-masaya sina Ibyang dahil sold out na ang SVIP section. Kaya wala na silang maibigay sa naghahanap. Kaya masasabing very successful ang Nathan Studios Inc. sa pagpo-produce ng first major concert ni Juan Karlos Labajo.

 

 

Pinupuri naman ang trailer ng hard-action movie ’Topakk’ na isa sa 50th MMFF entries na pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes.

 

 

Ang movie na ito siguradong tatatak sa mga manonood sa pagiging certified action star ni Arjo, bukod pa sa husay niya sa pag-arte. Hindi rin sila bibiguin ni Julia, na grabe rin ang ginawa sa kanyang action scenes.

 

 

Napakahusay din dito nina Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos at iba pang supporting cast.

 

 

At kung naghahanap kayo ng pang-malakasang action movie na pang-international ang kalidad, narito na ang ’Topakk’ na mapapanood na simula sa December 25.

 

 

Award-winning docu series ni Loren Legarda mapapanood na sa BNC

 

 

MAPAPANOOD na sa Bilyonaryo News Channel (BNC) ang award-winning documentary series “Dayaw” ni Senator Loren Legarda.

 

Nagsimula ito noong Sabado, Oktubre 26, iniimbitahan ng “Dayaw” ang mga manonood na sumama sa paglalakbay sa mga makukulay na tanawin ng Philippine cultural heritage.

 

Proyekto ito ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na naging posible dahil sa matatag na suporta ni Legarda mula nang ilunsad ito noong 2015.

 

Bida sa “Dayaw” ang mga katutubo ng bansa, kanilang mga kaugalian, ritwal, tradisyon at mahalagang papel sa paghubog ng Filipino cultural fabric.

 

Sa bawat episode, ginagabayan ni Senator Legarda ang mga manonood sa pamamagitan ng mga kaugalian at gawi na nagbubuklod sa mga katutubong pamayanan, na nagpapakita ng kanilang malalim na paggalang sa kalikasan, kanilang katatagan at mga survival method na patuloy na nagpapayaman sa kanilang buhay.

 

Mula sa tradisyonal na palakasan at wika hanggang sa masiglang sayaw, ritwal at pagluluto, binibigyang-diin sa “Dayaw” ang kahalagahan ng paggalang sa mga kasanayang ito upang matiyak ang isang pamana ng kultura para sa mga susunod na henerasyon.

 

Nagmula sa salitang nangangahulugang “ipresenta o isuot nang may pagmamalaki”, ang “Dayaw” ay angkop na kumakatawan sa misyon nito na itaguyod ang diwa ng Pilipino, na nagbibigay-diin sa kagandahan, dignidad at katatagan ng katutubong pamana.

 

Saksihan ang mga kuwento, hamon at katatagan ng mga katutubong komunidad at magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa ating pamana sa “Dayaw” sa Bilyonaryo News Channel, na available sa BEAM TV 31 (maa-access sa pamamagitan ng digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, at Naga), Converge Channel 74 at sa Cignal Channel 24.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)