• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mansion ni Thompson sa LA, ibinebenta

Inanunsyo ni Cleveland Cavaliers starĀ  Tristan Thompson na ibinebenta na nito ang kanyang mansion.

 

Ayon kay Thompson, nagkakahalaga ang kanyang ibinebentang Encino Mansion ng $8.5 million.

 

Base sa ulat, tumaas ang halaga ng mansion ng $2 million mula ng mabili niya ito noong nakaraang taon ang 10,000 square foot farmhouse style na bahay.

 

Mayroong pitong kwarto at 7.5 na banyo na may sariling bells at whistles bukod pa sa pool, outdoor kitchen, bar, spa, foyer, marble fireplace, hiwalay na fire pit, home movie theater, twirling staircase at guest house na may dalawang kuwarto.

 

Sinabi ni Thompson na nagdesisyon siyang ibenta ang mansion matapos silang maghiwalay ng kasintahan si Khloe.