Higit 300K stude sa private school lumipat na sa public -DepEd
- Published on July 27, 2020
- by @peoplesbalita
Tinatayang nasa 300,000 estudyante mula sa private school ang lumipat na sa pampublikong paaralan para sa paparating na academic year 2020 hanggang 2021 sa gitna ng coronavirus pandemic, ayon sa Department of Education (DepEd).
“Ang sabi po sa amin ng field officials namin, traditionally ang private schools, nahuhuli mag full blast ng enrollment,” ani Education Undersecretary Diosdado San Antonio sa isang panayam.
Sa datos pa aniya kahapon, July 23 ay pumalo na sa 78.9 ang enrollment rate.
Samantala, tiwala naman si San Antonio na tuloy na ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24. (Daris Jose)