30-K manok sa Pampanga, isinailalim sa culling dahil sa bird flu
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Department of Agriculture na mahigit 30,000 manok sa Central Luzon ang isinailalim sa culling.
Ito ay mtapos na maitala ang avian influenza infection sa isang farm sa bayan ng San Luis sa Pampanga.
Ayon sa ahensya, kaagad na inilibing ang mga kinatay na manok upang sa gayon ay maiwasan na ang pagkalat pa ng bird flu virus, na sinasabing nakakaapekto rin sa mga tao.
Iniuugnay ng DA ang avian flu outbreaks sa ibang bansa sa mga migratory birds, na kadalasang dumadaan din sa Pampanga.
Noong Hulyo 23, inanunsyo ng DA na kontrolado na nila katuwang ang lokal na pamahalaan ng Jaen, Nueva Ecija ang pagkalat ng avian influenza. (Gene Adsiuara)