P46 bilyong 2nd round ng SAP naipamahagi
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang may P46.5 bilyong pondo na ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP) fund ng pamahalaan sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa DSWD, may kabuuang 6,951,049 pamilya ang tumanggap ng cash aid kasama na dito ang may 1.3 milyong Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries, 3.7 milyong low-income at non-4Ps families gayundin sa halos 1.9 milyong dagdag na pamilya.
Inamin naman ng DSWD na nagkaroon ng pagbagal ang pamamahagi ng ayuda sa mga qualified beneficiaries sa pamamagitan ng manual at digital payouts pero tatapusin ang pagbibigay ng pondo hanggang katapusan ng Hulyo.
Hanggang sa ikalawang linggo naman ng Agosto matatanggap ng mga benepisyaryo ng SAP na nakatira sa malalayo at liblib na barangay. (Daris Jose)