Jones Jr. target si MMA star Silva; kapag tinalo si Tyson
Sakaling malusutan si dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson, inamin ni Roy Jones na target nitong makasagupa si Mixed Martial Arts legend Anderson Silva.
Ayon kay Jones, bago pa man nitong isiwalat na lalabanan si Tyson sa isang exhibition match sa Setyembre, marami na umano itong natatanggap na offer para labanan si Silva.
Sinabi pa ng 51-anyos na boksingero na kahit targetĀ na nitong magretiro pagkatapos ng laban kay Tyson, bukas pa rin umano ito para makasagupa ang maangas na si Silva.
Kumpara kay UFC star Conor McGregor na nakaharap noon ni retired boxing champion Floyd Mayweather Jr, si Silva umano ay may malalim na training sa boksing, ayon kay Jones.