Pagbuhay sa parusang bitay, pinarerebyu
- Published on September 28, 2024
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagrebyu sa muling pagbuhay sa parusang bitay para sa heinous crimes.
Kabilang na rin ang iba pang panukala para sa pagbuwag ng mga sindikato , pagpapanagot sa corrupt officials at peace and order sa bansa.
Ang panawagan ay ginawa ng overall chairman ng House Quad Committee sa kanyang opening statement ng ikapitong public hearing ng joint panel na nagiimbestiga sa ugnayan sa pagitan ng illegal Philippine offshore gaming operators (POGOs), paglaganap ng illicit drug trade, land grabbing ng ilang Chinese nationals, at extrajudicial killings (EJKs).
“Naging urong-sulong po tayo sa usaping death penalty noong mga nakalipas na panahon. Tingnan nyo ang nangyari. Sumama po lalo ang naging lagay ng ating kapayapaan at kaayusan. Hindi na takot ang mga kriminal. Lantaran ang ginawang pamamaslang na ngayon ay tinawag nating extrajuducial killings,” ani Barbers.
Sa imbestigasyon sa drug-related EJKs sa ilalim ng Duterte administration, nabunyag sa Quad Committee ang pagsisilbi ng ilang law enforcement officers bilang “hired killers,” at pagpatay base sa suspisyon na sangkot sa droga.
Nabatid na ang mga naturang pagpatay ay dala ng financial incentives, tulad ng rewards para sa bawat pagpaslang ng biktimang for each death, as long as the victim was labeled a “drug personality.”
Ipinanukala din nito ang pag-amyenda sa Cybercrime Law upang masolusyunan ang isyu ng online gambling, hacking, at investment scams, na ginagamit na bagong plataporma ng mga organized crime syndicates.
Barbers also called for amendments to the Anti-Money Laundering Act to empower the government to take swift action against suspicious financial activities, even before formal charges are filed, ensuring that illegal funds are intercepted before they can be used to further criminal enterprises.
Iginiit pa nito na ang pag-amyenda sa Local Government Code ay kailangan para maiwasan ang pang aabuso sa kapangyarihan ng local government units sa reclassifying at convertion ng lupain na sinasamantala ng ilang foreign nationals at corrupt officials. Gayundin ang pagreporma sa birth registration laws.
(Vina de Guzman)