P353K shabu nasabat sa Caloocan drug bust, 2 timbog
- Published on September 28, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa dalawang hinihinalang tulak ng iligal matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng umaga.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles alyas Ike, 25, ng lungsod at alyas Ledge, 42, ng Navotas City.
Ayon kay Col. Doles, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation nang magawa nilang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,500 halaga ng droga.
Matapos umanong tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek dakong alas-5:54 sa Libis Espina Brgy. 18.
Ani Lt Mables, nakumpiska nila sa mga suspek ang nasa 52 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price value na Php 353,600 at buy bust money na isang P500 bill at anim pirasong P,1000 boodle money.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ong Compehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)