• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:12 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Checkpoint tinakbuhan, rider arestado sa Malabon

BINITBIT sa selda ang 25-anyos na rider matapos takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita nang parahin siya dahil walang suot ng helmet sa Malabon City.

 

 

Tumagal din ng ilang minuto ang habulan sa pagitan ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 at ng rider na si alyas Jay-ar, residente ng Paz St. Brgy. Tugatog, bago siya tuluyang masukol dakong ala-1:30 ng madaling araw.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nagsasagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa kanto ng M.H. Del Pilar at Basilio Streets sa Brgy. Tugatog bilang paraan ng pagsugpo sa kriminalidad nang parahin nila ang suspek na walang suot na helmet.

 

 

Bahagyang nag-menor muna suspek subalit, biglang humarurot patakas na dahilan para siya habulin hanggang tuluyang ma-korner sa Paez Street sa Barangay Concepcion.

 

 

Natuklasan din na walang rehistro ang motorsiklong minamaneho ng suspek kaya’t bukod sa paglabag sa R.A 10054 o ang Motorcycle Helmet Act at paglabag sa Art. 151 ng Kodigo Penal o ang Resistance and Disobedience to an Agent of Person in Authority, kinasuhan din siya ng paglabag sa R.A. 4136 o unregistered motorcycle sa Malabon City Prosecutor’s Office.

 

 

Ayon kay Col. Baybayan, nakikipag-ugnayan na sila sa Higway Patrol Group (HPG) upang alamin kung naka-alarma ang motorsiklong minamaneho ng suspek. (Richard Mesa)