• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:08 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P340K shabu nasamsam sa 2 HVI drug suspects sa Valenzuela

MAHIGIT P.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang drug suspects na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng umaga.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong mga suspek na sina alyas Emmon, 27, ng Brgy., Veinte Reales at alyas Banak, 30, ng Caybiga, Caloocan City na kapwa nakapiit ngayon sa custodial facility unit ng Valenzuela police.

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cayaban na dakong alas-6:50 ng umaga nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa Plastic City Avenue, Brgy. Veinte Reales.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may stimated value na P340,000, buy bust money na isang P1,000 bill at 16 pirasong P1,000 boodle money, dalawang cellphones, P220 recovered money, coin purse at isang motosiklo.

 

Ayon kay SDEU Chief P/Capt. Joan Dorado, unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga suspek kaya agad siyang bumuo ng tean sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.

 

Ani PMSg Carlos Erasquin Jr., kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)