• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:32 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Possible entry sa 50th Metro Manila Film Festival: VILMA, nakapag-rest na kaya sumalang agad sa shooting ng ‘Uninvited’

NAKA-ILANG shooting days na pala ang pelikulang “Uninvited “ na pinagbibidahan ng Star for All Seasons Vilma Santos-Recto.

 

Mga eksenang hindi kasama si Ate Vi ang mga iniuna at kamakailan lang ay nag-umpisa na siya kaya tuloy-tuloy na raw ito.

 

 

 

May mga ugong-ugong na tiyak daw na isasali ito sa 50th Metro Manila Film Festival.

 

Produced ito ng Mentorque Productions ni Bryan Dy at ng productions Nina Antoinette Jadaone at ididirek ni Dan Villegas.

 

Banggit pa ni Ate Vi sa amin through text nang batiin niya kami sa aming kaarawan na medyo nag ahinga lang daw siya at haharapin na niya ang shooting ng “Uninvited“.

 

“Ok na ako !! Mag-work na ako this week!!

 

Love you jimi! Happy birthday !!!” mensahe pa ng mahal naming Star for All Seasons.

 

Halos araw-araw na raw ang scheduled shooting si Ate Vi. Kaya mukhang ihahabol talaga ito sa MMFF dahil naging apurahan na ang shooting.

 

“Hindi naman naputol yung oras naming. It’s just we moved… nagmahal nang konti kasi siyempre itutuloy mo pa rin yung schedule ng mga artista, adjust lang kami nang konti.

 

“But what we’ve done is, of course, inuna na namin because may schedule din ang ibang artista. Hindi rin biro yung mga kasamang artista,” sey pa ni Sir Bryan.

 

“We’re very proud of this project,” dagdag pa rin niya.

 

***

 

SPEAKING of Ate Vi, super beautiful ang original grand slam actress sa mga pictures na kuha raw sa kanya sa shooting ng nasabing pelikula.

 

Mukhang fully rested si Ate Vi at sey pa ng kausap namin na parang hindi lang daw nagkasakit, na maaaring nakapag-rest nang husto kaya lalong gumanda ang premyadong aktres.

 

“Actually, nakapag-run na siya ng ilang araw din yun. But definitely, yes, tama yun, na-delay kami because kailangan niya mag-rest for health reason,” sabi pa ng produ ng movie.

 

Banggit pa rin ni Ate Vi na ayaw niyang magpa-pressure na dapat makahabol sa MMFF. Pero mukhang pag-MMFF talaga ito, at aabot sa submission ng finished films sa September 30.

 

Incidentally tatlong movies ang pinagpilian ni Ate Vi na gawin niya.

 

pero ito ngang “Uninvited” ang pinili ng gawin niya over ‘Espantaho’ with Judy Ann Santos at ang ‘Grace’ na story na naganap sa Lipa City years ago.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)