2 linggong timeout na hiling ng medical frontliners, gagamitin ng pamahalaan sa pag-fine tune ng mga hakbang kontra Covid -19
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
GAGAMITIN ng gobyerno ang 2 linggong “timeout” na hiniling ng mga medical frontliners para mag-fine tune o mag-recalibrate ng mga hakbang sa pagtugon ng bansa sa Covid -19 pandemic.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mas paiigtingin ng gobyerno ngayon ang T3 o testing tracing at treatment sa mga Covid- 19 positive individuals.
Sa kabilang dako, ipatutupad din ang hard lockdown sa mga lugar o brgy o komunidad na sadyang mataas ang kaso ng virus.
Susunduin sa pamamagitan ng oplan kalinga ang mayruong mild symptoms at mga asymptomatic at dadalhin sila sa mga isolation areas. (Daris Jose)