• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:49 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakipag-meeting na sa gagawin sa ABS-CBN: JAMES, tuloy ang pagbabalik at wala nang makapipigil

MULA sa isang kaibigang ABS-CBN insider ay napag-alaman naming on going daw ang negosasyon para sa bagong gagawing proyekto ni James Reid.

 

 

Ayon pa sa kausap namin nakipag-meeting na raw si James sa ilang TV executives.

 

 

Dagdag pa niya na may nabuo na raw na bagong proyekto ang ABS-CBN executives at ang kampo ng actor-singer.

 

Ayon pa sa aktor sa isang interview sa kanya ng ABS-CBN news ay wala na raw makapipigil sa kanyang pagbabalik sa larangan ng pag-arte.

 

“I actually plan to work a lot with ABS. Yes, there are discussions already. That’s my plan actually ever since 2020,” pag-amin pa ni James.

 

“Everyone is asking, did you quit acting? Did you quit showbiz? I always said, no, I plan to go back,” dagdag pa niya.

 

So, abangan na lang natin kung ano ang pasabog na projects ni James.

 

Hoping naman ang fans nila ni Nadine Lustre na muli silang magkatambal sa isang teleserye.

 

Mapagbigyan kaya ang kanilang wish?

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)