• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 25, 2025
    Current time: October 25, 2025 2:12 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 bagong pumping stations sa Malabon, pinasinayaan

PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval at dating Congressman Ricky Sandoval ang dalawang bagong modernong pumping station bilang bahagi ng inisyatiba na ‘Ligtas sa Baha’ para sa kaligtasan ng mga Malabueño sa panahon ng bagyo at high tide.

 

 

Ang dalawang pasilidad ay ang Sto. Rosario II Pumping Station sa Barangay Baritan, at ang Dulong Adante Pumping Station sa Barangay Tañong.

 

 

“Hindi tayo titigil sa pagsigurong mayroon tayong mga programa laban sa matinding pagbabaha dito sa ating lungsod. Maliban sa pagsasaayos ng mga floodgate ay ating binuksan itong dalawang modern pumping stations sa ating lungsod na tiyak na makakatulong sa pagpigil ng pagpasok ng baha dito sa ating lungsod tuwing may bagyo o high tide,” ani Mayor Jeannie.

 

 

“Tanging hiling ko lamang po ay ang inyong kooperasyon sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating lungsod lalo na sa mga daanan ng tubig. Huwag tayong magtapon ng mga basura sa mga ito upang hindi bumara at maging sanhi ng mas matinding problema,” dagdag niya.

 

 

“Itong ating bagong mga pumping stations ay itinayo upang mas mapaigting ang ating mga hakbang tungo sa mas ligtas na lungsod, anumang kalamidad ang dumaan. Maliban sa mga isinasagawnag pagsasaayos ng mga imprastraktura laban sa pagbabaha ay ating makakatulong ang dalawang modernong pumping stations para hindi maapektuhan ang lungsod ng matinding sakuna,” pahayag naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete.

 

 

“Asahan ninyo na patuloy tayo sa pagbuo at pagpapaganda ng mga proyektong nakatuon sa kaligtasan ng bawat Malabueño,” dagdag niya. (Richard Mesa)