Binalikan dahil may pangakong gagawa ng horror movie: JUDY ANN, na-realize na napakalalim ang pagkakaibigan nila ni direk CHITO
- Published on September 16, 2024
- by @peoplesbalita

“NAKAKA-EXCITE siyempre kasi ang tagal kong hinintay ito e,” ang umpisang kuwento ni Judy Ann Santos tungkol sa horror movie na ‘Espantaho’.
“Nakakakaba din kasi ang tagal ko ng hindi gumagawa ng horror.
“Mostly drama or action/drama or, like with Starla na medyo light. So when direk Chito called me, mga ano ‘to January, February, unang tanong niya pa lang na, ‘Gawa tayo ng horror may script ako’, ‘Sure!’
“Yung wala pang ano, walang, hindi… wala pang casting, wala pang lahat, sabi niya, ‘Okay ka?’ ‘Oo naman! Ikaw pa ba? Ituloy na natin ito.’
“Kasi nga hindi kami natuloy sa Feng Shui.”
Si Judy Ann dapat ang bida sa 2004 blockbuster horror film na ‘Feng Shiu’ na tinanggihan ng manager niya na si Alfie Lorenzo kaya napunta ang role kay Kris Aquino, sa direksyon rin ni Chito Roño na direktor ng ‘Espantaho’.
“Sabi niya [Chito], ‘Oo kasi may pangako ako, e!’
“Doon ako siyempre talagang… iyon yung nag-ano sa akin, hindi nag-trigger to say yes kasi um-oo na ako bago pa siya natuloy.
“Doon ako talagang, doon ko na-realize na napakalalim nung naging pagiging magkaibigan namin ni direk Chito para balikan niya ako.
Dagdag pa ni Juday, “Kasi hindi na nga ako nag-expect e, kasi parang feeling ko ang dami na ring nangyari, alam mo yun?
“Iyong kung ano yung bigay ni Lord na blessing sa akin hanggang ngayon.
“Basta makaramdam ako ng gut… wala pa akong script na nababasa, sa Feng Shui kasi nung nabasa ko yung script tsaka ako um-oo.
“Dito hindi ko pa nababasa yung script, wala pa, um-oo na ako sa kanya, regardless what… but sinabi naman niya sa akin yung buod pero yung trust ko kasi kay direk Chito, iba, e.
“May ganun, di ba? May ganun ka e, yung basta may tiwala ka sa craftsmanship ng kahit na sino na professional, na direktor, artista, writer, kahit ano yan, hindi mo na tatanungin.
“Kasi nga nandun yung trust and nandun iyong malaking factor ng pagkakaibigan,” pahayag pa ni Juday.
Nasa ‘Espantaho’ rin si Lorna Tolentino bilang nanay ni Juday, at sina Janice de Belen, Chanda Romero, JC Santos, Nico Antonio, Kian Co, Mon Confiado, Tommy Abuel at Eugene Domingo.
Wala pang playdate ang pelikula at kasalukuyang tinatapos.
(ROMMEL L. GONZALES)