• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DATING COMELEC CHAIRMAN, SIXTO BRILLANTES, PUMANAW NA

PUMANAW na si dating Commission on Election (Comelec) Chairman Sixt Brillantes.

.

Ayon kay Comelec Spokespeson James Jimenez, pumanaw si Brillantes dakong  alas-11:08 ng umaga ngayong Martes, August 11.

Namuno itong Comelec Chair noong Enero 2011 hanggang Pebrero 2015 .

Sa kasagsagan ng pandemiya,  si Brillantes ang iniulat na tinamaan ng sakit na COVID-19.

Sa ngayon ay wala nang iba pang detalyeng ibinahagi ni Jimenez ngunit inaasahan maglalabas ang Comelec ng detalye  hinggil sa pagpanaw ng dating Comelec Chair.

Napag-alaman na si Brillantes ay magdiriwang ng kanyang kaarawan sa darating na Agosto 14. (GENE ADSUARA)