• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sold out na ang ‘Videoke Hits: OPM Edition’… Birthday concert ni ICE, nagdagdag pa ng isang show sa November 8

ISANG linggo bago matunghayan ang inaabangang birthday concert ni Ice Seguerra, Videoke Hits: OPM Edition, sa Setyembre 13, pero sold out na agad ang tickets!

 

 

Para sa mga hindi nakabili ng ticket, may chance pa para makisaya dahil nagdagdag pa ng isang show sa Nobyembre 8, 2024, sa Music Museum.

 

 

Sa pangatlong edisyon ng Videoke Hits concert series ni Ice, puno ng iconic OPM hits ang immersive experience na ito. Pagsasamahin ng concert ang saya ng karaoke at ang energy ng isang live performance, na siguradong magbibigay ng hindi malilimutang rendisyon ng mga paboritong OPM.

 

Kasama sa lineup ang mga kantang tulad ng “Gento” ng SB19 at ang dance performance ni Ice sa “Salamin-Salamin” ng BINI. Magpe-perform din si Ice ng sarili niyang rendition ng “Isang Linggong Pag-ibig” at “Anak” ni Freddie Aguilar sa pinakahihintay na ICE-FIED segment.

 

 

Nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Ice para sa napakalaking suporta: “Hi guys! Ngayon pa lang, gusto ko pong magpasalamat sa napakagandang birthday gift ninyo sa akin. Pramis, gagalingan ko talaga para sa inyong lahat! At dahil ang dami pang gustong maki-jam, nagdagdag kami ng bagong date para sa isa pang VIDEOKE HITS OPM EDITION.”

 

 

Dahil nga sa napakalaking demand, may isa pang show sa Nobyembre 8, 2024, para mabigyan ng pagkakataon ang mga fans na makisaya at maki-kanta sa ultimate sing-along concert.

 

 

Available na ang tickets para sa ‘Videoke Hits: OPM Edition: Isa Pa’ mula ₱1,500 hanggang ₱7,000, kasama ang special perks para sa VVIP gaya ng Soundcheck Experience at Meet & Greet.

 

 

Ang Ticket Prices: VVIP: ₱7,000 (With Soundcheck Experience + Meet & Greet + Signed Poster), VIP: ₱5,000, Gold: ₱4,000, Patron: ₱3,500, Orchestra Side A: ₱3,000. Orchestra Side B: ₱2,000, Balcony: ₱1,500

 

 

Add-ons para sa kahit anong ticket: Soundcheck Experience (1 Oras): ₱1,500, Meet & Greet: ₱1,000

 

 

Para sa ticket inquiries, kontakin ang Fire and Ice LIVE! sa 0917-542-0303 o bisitahin ang www.ticketworld.com.ph.

 

 

 

(ROHN ROMULO)