• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM tiniyak na papanagutin ang nasa likod na tumulong kay Guo na makalabas ng bansa… LET ME BE CLEAR: “HEADS WILL ROLL”

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may ulong gugulong sa pagtulong para makalabas sa bansa ang pinatalsik na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

 

 

 

 

Sinabi nito na ang insidente ay nagpapakita ng kurapsyon sa justice system na siyang magpapahina ng tiwala ng publiko.

 

 

Giit pa ng Pangulo na kanyang isasapubliko ang sinumang indibidwal na nasa likod ng pagpapalabas sa bansa kay Guo.

 

 

 

Dagdag pa ng Pangulo na umuusad na ang imbestigasyon ang sinumang napatunayan na nasa likod ng insidente ay kaniyang papanagutin sa batas.

 

 

 

Walang puwang aniya sa gobyerno ang sinumang opisyal na inuuna ang personal na interest kaysa pagsilbi sa publiko.

 

 

Narito ang pahayag ng Pangulo:

 

“The departure of 𝗔𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗚𝘂𝗼 has laid bare the corruption that undermines our justice system and erodes public trust. 𝗟𝗘𝗧 𝗠𝗘 𝗕𝗘 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥: 𝗛𝗲𝗮𝗱𝘀 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗿𝗼𝗹𝗹. We will 𝗲𝘅𝗽𝗼𝘀𝗲 the culprits who have betrayed the people’s trust and aided in her flight. A full-scale investigation is already underway, and those responsible will be suspended and will be held accountable to the fullest extent of the law. There is no room in this government for anyone who places personal interest above serving the Filipino people with honor, integrity and justice.”

 

 

 

Reaksyon ito ng Pangulo sa napabalitang umalis na sa bansa si Guo kahit na may kinakaharap itong kaso na nauugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation. (Daris Jose)