DOUBLE GOLD KAY CARLOS YULO SA 2024 PARIS OLYMPICS
- Published on August 6, 2024
- by @peoplesbalita

MULING nakasungkit ng gintong medalya si Pinoy gymnast Carlos Yulo sa vault final ng Paris Olympics 2024.
Nangibabaw si Yulo sa mga nakaharap nito kung saan mayroong nakuhang 15.433 points mula sa unang vault jump niya at 14.800 naman mula sa ikalawang jump.
Nagtala si Yulo ng kasaysayan dahil siya lamang ang atletang Pilipino na nakakuha ng dalawang gintong medalya sa isang Olympics.
Magugunitang nitong Sabado ng gabi ng makuha ni Yulo ang gintong medalya sa floor exercise. Sa pagkakapanalo ni Caloy sa Artistic Gymnastics, Floor Exercise at Vault Final siya ngayon ang may hawak ng mga titulong “First Filipino Athlete to win two gold medals in the olympics, First Filipino Athlete to win two gold medals in a single olympics, First Olympic Medal for the Philippines in artistic gymnastic, First Male Philippine Athlete.
Pagkatapos ng kumpetisyon ay agad nagpasalamat at narito ang mensahe ni two-time gold medalist Carlos Yulo sa lahat ng mga Pilipinong sumuporta sa kanya. ” Gusto ko pong magpasalamat sa pagpupuyat n’yo po, grabe po sa pag-take ng time po, na pagdasal ako, panoorin at subaybayan, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa.
Magpasalamat tayo sa Diyos kung anong meron tayo. God bless us all. Mag-ingat po tayong lahat. Sa mga taong naniwala sa akin talaga, para sa kanila ‘tong lahat.”
At mula sa People’s Balita, congratulations Carlos Edriel Yulo sa iyong makasaysayang panalo sa 2024 Paris Olympics, ang kauna-unahang Filipino Gymnast na nagwagi ng Olympic gold medal, hindi lang isa kundi dalawa pa, ipinagmamalaki na namin, ang iyong kuwento ay inspirasyon sa bawat Pilipino.”
(M.R. Antazo)