• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 3:05 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Confidential and Intelligence Funds, bumaba ng 16% sa panukalang 2025 national budget -DBM

BUMABA ng 16% ang confidential and intelligence funds (CIFs) sa panukalang 2025 national budget kumpara sa alokasyon nito sa 2024 General Appropriations Act (GAA).

 

 

 

 

Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman na inaprubahan ng DBM ang kabuuang P10.29 billion (B) budget para sa CIFs, kung saan ang P4.37B ay inilaan para sa Confidential Expenses at P5.92B para naman sa Intelligence Expenses.

 

 

Sa 2024 GAA, ang CIF ay binigyan ng P12.38B allocation.

 

 

“Bumaba po ng 16% ang allocation para sa confidential and intelligence funds sa 2025 NEP kumpara sa alokasyon nito sa 2024 GAA,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sinabi pa ni Pangandaman na nakatanggap ang DBM ng kabuuang CIF budget proposal na P11.39 billion mula sa iba’t ibang ahensiya, P5.22B ay para sa CF at P6.17B para naman sa IF.

 

 

Binigyang diin ni Sec. Pangandaman na ang mga ahensiya ay kinakailangan na sundin ang guidelines sa paggamit ng CIFs. (Daris Jose)