GSIS naglaan ng P18.5B emergency loans para sa mga miyembro na tinamaan ng Carina, Habagat
- Published on July 27, 2024
- by @peoplesbalita
NAGLAAN ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P18.5 bilyong pondo na maaaring gamitin para sa emergency loans para tulungan ang mahigit sa 800,000 members at pensioners na naapektuhan ng Super Typhoon Carina at Southwest Monsoon (Habagat) sa Batangas, Rizal, at National Capital Region (NCR).
Sinabi ng GSIS na maaaring mag-avail ng emergency loan ang 864,089 miyembro at pensioners sa rehiyon na idineklara na isailalim sa state of calamity dahil sa weather disturbance.
Sinabi ng GSIS na ang mga miyembro at pensioners ay maaaring mag-apply para sa emergency loan mula July 26, 2024 hanggang October 28, 2024.
Layon ng emergency loan program na magbigay ng agarang financial relief sa mga miyembro at pensiyonado na labis na naapektuhan ng natural disasters.
Sinabi pa ng GSIS na “members and pensioners with existing emergency loan balances may borrow up to P40,000 to enable them to clear their previous loans and receive a maximum net amount of P20,000.”
“Those without existing loans may apply for up to P20,000.
The loan features a low interest rate of 6% per annum and a repayment period of three years,” ayon pa rin sa GSIS.
Para maging kuwalipikado para sa emergency loan, sinabi ng GSIS na ang mga aktibong miyembro ay hindi dapat na nasa unpaid leave, walang pending administrative o legal cases, at mayroong kahit pa paano ay six monthly premium payments bago mag-apply.
Tinuran pa ng GSIS na ang borrowers’ net take-home pay ay hindi dapat na mababa sa P5,000 gaya ng nakasaad sa General Appropriations Act.
“To be eligible for the loan, old-age and disability pensioners must have a net monthly pension that is at least 25% of their gross pension after deducting the amortization of the loan,” ayon pa rin sa GSIS.
Ang mga eligible members ayon pa rin sa GSIS ay maaaring mag-apply para sa loan online sa pamamagitan ng GSIS Touch mobile app.
Maaari ring maghain ang eligible members ng kanilang aplikasyon sa pamamagitan ng GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks na matatagpuan sa lahat ng sangay ng GSIS, mga pangunahing tanggapan ng gobyerno gaya ng Department of Education, provincial capitols, city halls, municipal offices, at piling Robinson’s at SM malls. (Daris Jose)