Naging favorite ang character niya sa ‘Black Rider’: YASSI, nag-enjoy at gusto ulit makatrabaho si RURU
- Published on July 18, 2024
- by @peoplesbalita
NAGING paboritong character ni Yassi Pressman si Bane/Vanessa dahil sa mala-roller coaster na pinagdaanaan ng character nito sa GMA actionserye na “Black Rider.”“There’s just so many emotions din po para sa isang taong nagkaron ng amnesia na hindi ko rin na-portray noon. Hinahanap niya po kung sino siya at kung ano ‘yung mga experiences niya, ‘yung mga taong mahal niya, bakit ganito yung mga nararamdaman niya sa puso niya, kasabay ng mga brainwashing ng mga taong nasa paligid niya.
“Talagang napakatapang niya po at talagang mahal na mahal niya po ‘yung pamilya niya,” sey ni Yassi na gusto ulit makatrabaho si Ruru Madrid sa isang bagong project.
***
BACK to dating after two years ang kontrobersyal na Hollywood actor na si Johnny Depp. And dine-date niya ay isang 28-year-old model named Yulia Vlasova.
Ayon sa People, nothing is official with the 61-year old actor at sa Russian model. Casual dating daw sila for now.
Huling nakita sa big showbiz event si Depp ay noong May 2023 sa Cannes Film Festival kunsaan pinalabas ang pelikula niya na Jeanne Du Barry.
Ang kanyang ex-wife na si Amber Heard ay huling napanood sa ‘Aquaman And The Lost Kingdom’. Naka-base na ito sa Spain kasama ang kanyang daughter.
(RUEL J. MENDOZA)