Mahigit P200K halaga ng marijuana, nasamsam sa Maynila
- Published on July 10, 2024
- by @peoplesbalita
TINATAYANG mahigit sa P200K halaga ng marijuana ang nasamsam at pagkakaaresto sa isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation sa Sta. Ana Manila Martes ng madaling araw.Kasong paglabag sa RA9165 ang kinakaharap ng suspek na di Ryngard Joshde Villa Dela ng 2440 Onyx St., Brgy 775 Zone 85 Sta. Ana Manila.
Sa ulat, bandang ala-1:30 ng madalling araw nang nagsagawa ng buy bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD) sa loob ng isang bahay sa 2151D San Andres Extension Brgy. 780 Zone 85 Sta. Ana, Manila na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Narekober sa suspek ang 622.1 gramo ng Marijuana fruiting tops na may street value na P74,652.00 at 128.9 gram ng Marijuana kush ay street value na P180,460.00 o kabuuang P255,112, isang watson color brown paper bag at buy bust money. GENE ADSUARA