• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babaeng Vietnamese inaresto sa ‘unruly behavior’

INARESTO ng mga opisyal ng immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang babaeng Vietnamese dahil sa kanyang ‘unruly behavior”.

 

 

 

Una rito, personal na humarap si  Ban Thi Van, 19, sa kayang immigration clearance para sa pagsakay nito sa Cebu Pacific Air flight biyaheng Hanoi.

 

 

 

Pero sa isinagawang inspection ng mga immigration officers, bigla nitong hinablot ang kanyang pasaporte at ibinalibag saka nagsisigaw at naglupasay sa sahig na nagdulot ng kaguluhan sa immigration departure area. 

 

 

 

Humingi ng assistance ang BI border control and intelligence unit sa airport police at  Philippine National Police (PNP) aviation security group at tuluyan itong inaresto.

 

 

 

Matatandaan na nitong nakaraang buwan, isa ring babaeng Vietnamese  ang nagdulot ng kaguluhan sa NAIA terminal 3 sa pagtakbo nito ng hubot-hubad. GENE ADSUARA