• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Memorandum of Understanding, nilagdaan para sa pagtatatag ng Integrated city-wide health system sa Navotas

ISANG Memorandum of Understanding ang nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Dr. Rio Magpantay, Regional Director ng DOH Metro Manila Center for Health Development (MMCHD); at Brian Florentino, Local Health Insurance Office Head ng PhilHealth NCR-North sa Department of Health (DOH) at PhilHealth para sa pagtatatag ng integrated city-wide health system sa Navotas, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary nito. Ang inisyatiba na ito ay bahagi ng pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Act. (Richard Mesa)