VP Sara, nagbitiw sa posisyon sa DepEd, NTF-ELCAC
- Published on June 20, 2024
- by @peoplesbalita
NAGBITIW na si Vice President Sara Duterte bilang Kalihim ng Department of Education at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, tinanggap naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni VP Sara, epektibo ngayong araw, Hulyo 19.
Sinabi ni Garafil na tumanggi si VP Sara na magbigay ng dahilan kung bakit bumitiw na siya sa gabinete ni Pangulong Marcos.
“She will continue to serve as Vice President. We thank her for her service,” ayon kay Garafil sa mailing kalatas.
Hindi naman nagbigay ang PCO ng kahit na anumang impormasyon ukol sa kung sino ang magiging kapalit ni VP Sara bilang Kalihim ng DepEd.
Si VP Sara ay naging runningmate ni Pangulong Marcos sa Eleksyon 2022 sa Ilalim ng UniTeam. (Daris Jose)