Service Caravan ng BI sa Batangas, sinimulan
- Published on May 29, 2024
- by @peoplesbalita
BIYAHENG Batangas ngayon ang Bureau of Immigration para sa kanilang fourth leg na nationwide caravan.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang Bagong Immigration Service Caravan ay gaganapin sa Batangas City.
“Our goal is to bring our services closer to people,” ani Tansingco. “While many of our services are now accessible online, we recognize the importance of personally engaging with our communities to facilitate immigration compliance,” dagdag pa nito.
Ang service caravan ay nagtungo na sa iba’t ibang lugar sa bansa upang magbigay ng iba-ibang serbisyo kabilang ang mabilis na pagproseso ng visa , tourist visas, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang mga serbisyo.
Sa pamamagitan ng caravan, mabilis na makapag-proseso ang mga dayuhan sa ating bansa at sumbungan din para sa mga illegal na dayuhan. foreign sexual predators sa Batangas City at kalapit na lugar.
Para sa karagdagang impormasyon at updates sa kanilang service caravan ay maari silang bumisita sa kanilang official website of the Bureau of Immigration at www.immigration.gov.ph. . GENE ADSUARA