COVID TELEMEDICINE INILUNSAD SA KYUSI
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ng Quezon City government ang kauna- unahang COVID-focused Telemedicine.
Sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na naisagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).
Nasa 15 na laptop at desktop ang ibinigay ng DOH upang magamit sa HOPE Facilities at health centers.
Sa pamamagitan nito, mababawasan nang magkaroon ng direct contact ang mga pasyenteng apektado ng COVID-19 at mga doctor. Sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Unit and District Health Offices nasa 10, 736 na ang kaso ng COVID19 sa lungsod, kung saan 332 ang bagong mga kaso.
Nasa 701 naman nag mga bagong naka recover mula sa naturang virus. Habang 416 na ang naiatalang nasawi dahil sa COVID19. (RONALDO QUINIO)