Trike driver binaril sa ulo ng rider, todas
- Published on May 10, 2024
- by @peoplesbalita
DEDBOL ang isang tricycle driver matapos barilin sa ulo ng isang hindi kilalang rider sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si alyas “Antonio”, nasa hustong gulang at residente ng Panghulo, Obando, Bulacan.
Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, tinatahak ng biktima ang kahabaan ng Don Basilio Bautista Bvld, Brgy. Hulong Duhat dakong alas-6:50 ng gabi pauwi na sa kanyang tirahan nang harangin ng lalaking sakay ng motorsiklo.
Bumunot ng baril ang suspek at kaagad na pinaputukan sa ulo ang biktima bago mabilis na tumakas patungong Panghulo, Bulacan.
Nagsagawa naman kaagad ng dragnet operation ang mga tauhan ni Col. Baybayan, katuwan ang mga pulis sa Obando, Bulacan, subalit bigo silang madakip ang suspek.
Pinasusuri na ni Col. Baybayan sa mga imbestigador ang kuha ng mga nakakabit na CCTV camera sa lugar na pinangyarihan ng insidente at maging sa lugar na dinaanan ng suspek sa pagtakas upang makatulong sa pagkakakilanlan sa kanya habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa biktima. (Richard Mesa)