BILANG NG KASO NG COVID-19 SA KYUSI NASA HIGIT 11K NA
- Published on September 2, 2020
- by @peoplesbalita
PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Quezon City.
Sa huling datos ng Quezon City Health Department , umabot na sa 11,464 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.Ang nasabing mga kumpirmadong kaso sa lungsod ay validated na ng QCESU at district health centers.Samantala sa bilang naito ay nasa , nasa 1,996 lamang ang aktibong kaso na patuloy na nagpapagaling.9,045 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 423 ang nasawi.
Nasa 11,673 naman ang suspected COVID-19 cases kabilang na ang mga natukoy sa isinasagawang mga contact tracing. Sa unahg araw naman ng muling pag sasailam sa General Community Quarantine (GCQ) ng Metro Manila ay kapansin-pansin na halaos usad pagong ang daloy ng trapiko sa mga lnasangan sa Kyusi partikulat ang Regalado Ave., Commonwealath Ave., Visayas Ave., at Elliptical road. (RONALDO QUINIO)