• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagustuhan niya ang pagiging totoo ng aktres: MARIAN, inihalintulad ni CHRISTIAN kay KIRAY

NAKAKAALIW ang interview ni Nelson Canlas kay Christian Antolin, ang content creator na aktor na ngayon na alaga ng kaibigan naming si Rams David ng Artist Circle Management.

 

 

Nasa cast ng ‘My Guardian Alien’ si Christian at sa ‘Updated with Nelson Canlas’ podcast ay nagkuwento si Christian, na gumaganap bilang si Sputnik sa serye, tungkol sa working relationship nila ng bida sa serye na si Marian Rivera.

 

 

Lahad ni Christian, “Fan po ako ni Ate Marian. Sobra. “Talaga nung MariMar, ginabi-gabi ko iyon.

 

 

“Kasi yung teleserye pa yun ng Mexicanovela, love na love ko yung MariMar na serye. Tapos nung naging siya sabi ko, ‘Ay ang perfect naman nitong maging MariMar.’ Simula nun, naging fan na ako.

 

 

“Hanggang sa Amaya, Darna, yun. Temptation of Wife, sobrang love ko na siya, naging fan na talaga ako niya, sobrang minahal ko na siya.

 

 

“And nung nakita ko siya personally, sabi ko ‘Hala! Para akong nananalamin,'” tsika pa ni Christian.

 

 

Ayon pa kay Christian, ang nagustuhan niya kay Marian ay ang pagiging totoo nito.

 

 

“Ang nagustuhan ko kay Ate Marian, parang Kiray, maihahalintulad sila, what you see is what you get.

 

 

“Kung ano siya sa personal, iyon yung magugustuhan mo at iyon yung dapat tanggapin mo,” sinabi pa ni Christian.

 

 

Tulad ni Christian ay co-star rin ni Marian sa ‘My Guardian Alien’ ng GMA si Kiray Celis.

 

(ROMMEL L. GONZALES)