PBBM, kasama sa ‘100 Most Influential People of 2024’ ng Time Magazine
- Published on April 19, 2024
- by @peoplesbalita
KASAMA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “100 Most Influential People of 2024” ng Time Magazine.
Kinilala ng Time Magazine ang pagsisikap ni Pangulong Marcos sa ‘economic recovery’ matapos ang COVID-19 pandemic at kung paano itinaas ng Pangulo ang Pilipinas sa “world stage.”
Hindi rin nakaligtas sa Time Magazine ang paninindigan ng Pangulo sa West Philippine Sea sa gitna ng tumataas na tensyon sa rehiyon.
“Bongbong has stood steadfast against Chinese aggression in the disputed South China Sea and bolstered his nation’s alliance with the U.S. in the face of “rising tensions in our region and the world,” ang bahagi ng profile ni Pangulong Marcos na mababasa sa 2024 Time 100 issue.
“Many problems persist, including extrajudicial killings and journalists routinely attacked. But by trying to repair his family name, Bongbong may reshape his country too,” dagdag nito.
Samantala, ang iba pang Pangulo ng Pilipinas na nasa listahan sa nakalipas na taon ay sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2017 at namayapang dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III noong 2013. (Daris Jose)