Dream come true na mapasama sa docu-series ng ’24 Oras’: TV heartthrob na si ANJO, puwede nang sumunod sa yapak ni ATOM
- Published on April 19, 2024
- by @peoplesbalita
DREAM come true para kay sa GMA weatheman-turned-TV heartthrob na si Anjo Pertierra nang maging parte siya ng documentary series para sa 24 Oras.
Puwede na ngang sumunod si Anjo sa yapak ni Atom Araullo na isang award-winning documentaries na pang heartthob din ang image.
Mahilig daw talaga ang ‘Unang Hirit’ host na manood ng docu-series ng iWitness, Reporters Notebook, Brigada, at ng 24 Oras.
Kinuwento ni Anjo ang pinaka-intense na istoryang ginawa niyang documentary sa 24 Oras ay tungkol sa climate change. Sa episode ay nagpunta pa si Anjo sa Tondo, Manila, kung saan maraming basura, mainit, at dikit-dikit ang mga bahay.
“Yung kinabubuhayan nila kung saan sila nakatira, pwede silang humingi ng ano e, maayos na buhay, pwede silang humingi ng materyal na bagay. Pero ang hiling ng bata, masayang pamilya lang.
Nakakaantig sobra, kaya parang simula nun, sobrang excited ako every time na gagawa ako ng story for Brigada.”
Inamin din ni Anjo na naging challenge para sa kanya noong nag-uumpisa pa lang paghiwalayin ang emosyon mula sa istorya.
“Natutunan ko na i-filter ‘yung questions na kung personal ba, kung maaapakan ko ba ‘yung emotions that time, kailangan ko kasi i-protect ‘yun e. Kailangan i-protect ‘yung interviewees natin whenever we are asking questions na kailangan may limit tayo.”
***
MOVING on na si Katy Perry at last season na niya ang maging judge sa ‘American Idol.’
Kasalukuyang nasa gitna nang pag-shoot ng 7th season si Katy. Nagpaalam na raw siya sa dalawang kasam niyang judges na sina Lionel Richie at Luke Bryan.
“I am always emotional on finale, but gosh when this finale comes, I better just tape the false lashes to my face. I’m just trying to make space for other things. It’s not like me ending this show means I’m going to go retire on an island, even though that would be fabulous. I’m gonna go to work,” sey ni Perry na haharapin daw ang tinatapos niyang album na KP6.
Gusto rin daw tutukan ni Katy ang paglaki ng 3-year old daughter nila ni Orlando Bloom na si Daisy Dove.
(RUEL J. MENDOZA)