House painter kulong sa P115K droga sa Caloocan
- Published on April 18, 2024
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 48-amyos na house painter na sangkot umano sa ilegal ba droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si alyas “Remuel”, ng Ph8ABlk 171 Lot 3 Pkg 12, Bagong Silang.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta, habang nagpaparulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 9 sa Bagumbong Road, Brgy. 171 nang isang concerned citizen ang lumapit at inireport sa kanila ang nagaganap umanong drug trade malapit sa lugar.
Kaagad namang pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-2:00 ng madaling araw.
Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa suspek ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng nasa 17 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P115,600.
Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Lacuesta at kanyang mga tauhan dahil sa kanilang mga inilatag na police visibilty at pagpapatrulya sa lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)