• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guesting nila sa ‘Family Feud’ tinutukan: ANNE, absent agad sa ‘It’s Showtime’ dahil um-attend ng kasal sa Coron

ABSENT agad ang isa sa mga pambatong co-host ni Vice Ganda sa pangalawang araw ng “It’s Showtime” . Present si Anne Curtis sa unang araw ng pasabog ng nabanggit na show pero sa susunod na araw ay nowhere to be found ang beauty ng actress.

 

Siyempre kanya-kanyang tanong agad ang dumaraming folllowers ng ABS-CBN produced show na mapapanood na sa GMA-7.

 

Pero paliwanag naman ng isa sa co host ng show na nasa Coron, Palawan si Anne para um-attend sa wedding ng isang malapit na kaibigan. Nakatakdang sumunod daw naman agad si Vice Ganda sa kasalan after the show,.

 

Samantala, dahil parte na ng Kapuso ay guest ang buong host ng “It’s Showtime” sa paborito naming panoorin tuwing hapon na “Family Feud” hosted by our favorite host ngayong si Dingdong Dantes.

 

And as expected, ang dami naming nag-abang ng guesting ng It’s Showtime hosts sa Family Feud nung Lunes, April 8.

 

Pinaaga ang airing nito dahil marahil medyo expected na nilang mag-overtime ang show.

 

Nakakaaliw at ang saya naman kasi nila, lalo na ‘yung nag-ookrayan silang lahat.

 

Inaasahan din na sa live streaming pa lang nito na usually ay mataas na ang 100K views, itong episode nung Lunes ay talagang sobrang taas ng viewership, huh!

 

From a source pagdating daw ng 9 ng gabi ay umabot na ng isang milyong views, at ‘yung extended version nito sa sa YouTube na nakalagay pa roon ay viewable worldwide, mahigit 1.5M views na.
Nag-trending pa ang game show ni Dingdong sa X nung araw na yun.

 

And for sure another record breaker na naman ang nakuhang ratings ng “Family Feud”.

 

***

 

NASA cloud nine ang pakiramdam ng premyadong aktres Sunshine Cruz dahil dalawang pelikula niya ang pasok sa Moscow International Film Festival sa darating na April 19 to April 24 na gaganapin sa Russia.

 

Siyempre thankful ang sexy actress not only dahil first time na napasama movie niya sa isang prestigious international film fest kundi dahil pa rin sa dalawa pa ang entry niya.

 

Ang pelikulang “Lola Magdalena” ni Joel Lamangan at ang “Guardia de Honor” ni Jay Altarejos.

 

Pareho raw walang itulak kabigin sa mga roles na ginampanan ni Sunshine sa dalawang nabanggit na pelikula.

 

Sa “Lola Magdalena (Granny Prostitutes) ay kasama ni Sunshine sina Gloria Diaz, Liza Lorena, Perla Bautista at Pia Moran written by Dennis Evangelista.

 

As of press time ay gumagawa raw ng paraan si Sunshine na makadalo sa naturang 46th Moscow International Film Festival.

(JIMI C. ESCALA)