BULAKENYO TAEKWANDO MEDALISTS
- Published on April 4, 2024
- by @peoplesbalita
SINA Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro kasama ang mga Bulakenyong nagkamit ng medalya sa Taekwondo sa ginanap Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon, na nagwagi ng 13 medalya sa 6th Heroes Taekwondo International Championship 2023 na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Hulyo 2023, at 12 medalya sa Bangkok KPNP Open International Taekwondo Championship noong Nobyembre 2023. Kasama rin nila sina (mula kaliwa) Nanunuparang Pinuno ng Provincial Youth and Sports Development Office Abgd. Nikki Manuel Coronel, Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette Constantino, at mga Bokal Romina Fermin at Liberato Sembrano.