Mga hotline para sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024, inilabas ng DOTr
- Published on March 21, 2024
- by @peoplesbalita
INILABAS na ng Department of Transportation ang mga hotline numbers ng mga attached agencies sa ilalim nito para sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024.
Layunin nito na matulungan ang publikong babiyahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsya sa nalalapit na long weekend ngayong Holy Week.
Ayon sa DOTr, bahagi ito ng kanilang mga paghahanda para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa mga bus terminals, pantalan, paliparan, at mga train stations sa naturang mga okasyon.
Narito ang mga numerong maaari ng tawagan ng mga pasahero sa oras ng pangangailangan:
DEPARTMENT OF TRANSPORTATION
OPLAN BIYAHENG AYOS: SEMANA SANTA 2024
Railway Hotlines
MRT-3 (02) 8929-5347
Philippine National Railways (02) 5319-0041
Land Rail Transit Authority (02) 8647-3452 at (0917)325-3452
Light Rail Manila Corportation (02) 5318-5762