• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sila ang itatapat ng Siyete sa ‘Eat Bulaga’: VICE, tila may pahiwatig na sa posibleng paglipat ng ‘It’s Showtime’

MULA sa ABS-CBN insider ay nalaman naming on going ang negosasyon sa posibilidad na paglipat ng “It’s Showtime “ sa GMA-7. Kung maging positibo ang pag-uusap ngayon between ng management ng GMA at ng mga big boss ng mga namamahala ng programang “It’s Showtime” ay sa Kapuso channel na ito mapapanood hosted by Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis at iba pa. Kung matutuloy na ito ang ipapalit sa natsugi na sa ere na “Tahanang Pinakamasaya” so tuloy tuloy pa rin ang labanang “Eat Bulaga” at “It’s showtime”. Samantala, last Monday sa naturang noontime show ay may pahiwatig na rin naman si Vice sa mga viewers nila.

 

May binanggit kasi si Vice habang naghihintay ang host sa naturang programa na “the best days” na nagbibigay ng hint sa lahat sa maaring paglipat nila sa Kapuso Network.

 

Hindi kasi maiwasang ısıpin ng mga nakapanood na ang tinutukoy ni Vice ay ang paglipat ng programa nila sa channel 7. Sa totoo lang kasi ay mainit na pinag-usapan ngayon. Ayon pa rin naman sa source namin na konting kembot na lang daw ay malalaman ng lahat kung anong programa ang ibabangga ng Siyete sa programang “Eat Bulaga”.

 

***

 

NAGDALAWANG-ISIP noon ang aktor na si Elijah Canlas na tanggapin ang isang role na inoper sa kanya para sa number one primetime serye na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin. Mahigit isang buwan na ngayong napapanood ang karakter niya na kung hindi raw niya tinanggap ay malamang pinagsisihan niya, huh! “Honestly, there was a different role offered to me.

 

It’s a kind of role i’ve done before kaya I really thought hard about it even I really wanted to join Batang Quiapo”, sey pa niya. Dagdag pa rin ng aktor sa ganda ng mga feedbacks na nakarating sa kanya ng mga kasamahang naging part ng serye. “Nung una i was hesitant pa and I was so honored kasi Kuya Coco thought of a role for me as Pablo Caballero, “ saad pa rin ni Elijah.

(JIMI C. ESCALA)