Sotto todo na ang G League training
- Published on September 10, 2020
- by @peoplesbalita
MAHIGIT isang linggo na nagt-training camp si Kai Zachary Sotto at mga kakampi sa Ignite Team para sa paglalaro sa nalalapit na pagbubukas sa taong ito ng 19th National Basketball Association (NBA) Gatorade League sa Estados Unidos.
Kasama ng 18-anyos, 7-2 ang taas na Pinoy cage phenom na nasa Walnut Creek, California na sina Jalen Green, Jonathan Kuminga, Princepal Singh, Isaiah Todd at iba pang teammates.
“Beginning of a new chapter that’s about to be legendary,” wika ng tubong Las Piñas na baller.
Gumagabay sa koponan sina coach Brian Shaw, assistant coach Rasheed Abdul-Rahman, video coordinator Jerry Woods, at athletic trainer Pete Youngman.
Nitong Marso pa dapat nag- ang season ng NBA developmental league, pero pinagpaliban dahil sa pandemya. (REC)