KASO NG COVID-19 SA KYUSI NASA 13K NA
- Published on September 10, 2020
- by @peoplesbalita
MULING nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, pumalo na sa 13,604 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU o ang QC Epidemiology and Surveillance Unit at district health offices nito.
Sa naturang bilang ay nasa 2,763 na lamang ang masasabing nasa aktibong kaso ng pandemiya.
10,392 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 449 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 14,347 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing. Patuloy parin na nag papaalala ang QC government na palaging sumunod sa mga health protocols tulad ng pag susuot ng face mask at face shield at mag gamit ng alcohol at apg huhugas ng kamay ng sabon at tubig. (RONALDO QUINIO)