• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects tiklo sa P64K droga sa Caloocan at Malabon

SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P60K halaga ng droga makaraang matimbog sa Caloocan at Malabon Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 9 sa kahabaan ng Arseña St. Bagumbong Road Barangay 171, dakong alas-11 ng gabi nang makita nila ang isang lalaki na gumagala sa lugar at walang suot na damit na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

Nang hanapan siya ng indetification card para isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay tumakbo umano ang suspek kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto.

 

 

Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 5.0 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000.00.

 

 

          Sa Malabon, natimbog naman ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon police sa ikinasang buy bust operation sa San Vicente St., Brgy., Maysilo, dakong ala-1 ng madaling ang ‘tulak’ na si alyas “Panoy”.

 

 

Nakumpiska sa kanya ang aabot 5.1 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P34,680 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)